Saturday, May 31, 2014

Howls of a Gambler

Dear Kimmy,

Share ko lang po yung problem ko with my bf. Kami po for almost 3 years and we are thinking of settling down pero ngayon ay mukhang di na yata yun matutuloy. May maayos na trabaho naman ang bf ko pero yung pamilya niya ang problema. Napaka adik na po nila sa sugal. May point na buong sahod ng bf ko ay napunta lang sa utang nila sa sugal. Lahat ng kamag-anak nila ay galit na sa kanila dahil nautangan na nila. Pati kapitbahay nila ay nagagalit na din kasi pinagbibintangan silang sila ang nagnakaw ng aso para maibenta at may maipangsugal. Ang mali sa bf ko ay hindi niya kayang suwaying ang parents niya. Mahal ko siya at gustong intindihin pero di ko alam kung saan lulugar. Payuhan mo naman ako.

Sugal sa pag-ibig

Dear Neng,

Naku sorry po mali ata napagtanungan mo. Wala po akong binebentang mga gamot para sa kaadikan sa sugal. Tanungin mo yang mga nasa MLM sakaling may miracle cure all drug sila na angkop jan. Ako mismo ay hindi batid kung paano nagagawang magsugal ng ibang tao kahit mabaon sila sa utang. Sorry din at di ako nagpaparenta ng bahay na maaring gamiting hideout kung sakaling tugisin man sila ng pinagkakautangan nila. Maari mong iask si Mareng Denisse kung may mairerefer siyang lungga.

So very true. Ang sugal na yan ay marami ng winasak na tahanan. Kayrami na ding matang pinaluha at pusong sinugatan. Pasok "Tukso"sa background. Pero napakatindi nga ng situation niyo. Ganun kalalim at pati aso ay nagawang nakawin sa ngalan ng sugal? Balaan mo na yang bf mo na baka siya ang sunod na ibubugaw para lang may panustos sa bisyo. Pwedeng ikaw din ay ibugaw nila.

Ang maipapayo ko lamang sa iyo ate ay sumangguni ka sa kinauukulan. Isiwalat mo ang mga gawain nilang ganyan. Ibayan mo, Ipatrol mo o di kaya ay ipa Tulfo mo. These days parang yun yata ang fad. Maari ding isama mo sila sa face to Face kasi balita ko ay may bayad daw dun.Kung sakali nasolve mo na problems niyo, nagkapera ka pa. Pero kung gusto mo ng solusyon na may personal touch, gawa ka ng karatula sa gate nila saying "beware dogs" para malaman ng mga aso na may maaring masamang mangyari sa kanila sakaling gipitin sa sugal ang iyong mga hilaw na in-laws.