Friday, December 23, 2011

Pansit HubHub

Dear Kimmy,

I am sorry at di kita maisasama sa amin pag uwi.. At wag mo din ako sisihin dahil pinilit kita ngunit sabi mo may trabaho ka. Papipiliin nga sana kita kung work mo o ako at alam ko kung sino pipiliin mo.. Dalhan na lang kita ng pastel pagbalik ko. Maligayang Pasko sayo kahit na ganun.

Nagmamahal,
Hubby

Dear Hubby,

Echosero ka di kita kilala haha ibang side ng personality ko to. Magpakasaya ka. Magsama kayo ng kung sino mang ex flame mo jan. Kukulamin ko kayo. But I have to apologize that I can not really come with you to the province. First because I have my job and second because I really wish to get home for Christmas. I hope you understand that. At sawa na ako sa pastel pwede ba? ayaw ko din ng durian.. gusto ko ng tuna.. ayaw ko ng panga.. tuna flakes lang.. or fruits na lang na iba... Merry Christmas na lang sa lahat ng tagasubaybay ko dito.

Thursday, December 22, 2011

Que Sera Sira

Dear kimmy,

I recently broke up with my long time fiancee due to a third party problem. I am not very sure if I am right on doing that because my reasons for breaking up with him are baseless allegations and suspicions. I know he tried to be honest with me but I can feel that he is not any more honest. I am sure that as a girl, you do understand what I mean I say that you know when your boyfriend is lying. I am having a hard time adjusting now that he is gone. He still communicates with me a lot. What must I do?\

Jakie Rice

To You Jakie Rice,

I will start with saying that moving on is actually not moving off the pain and the comfort zone of a relationship. It is not like a switch that you can turn on or off at your convenience. Moving on is the complicated term for getting used to the thought that you are not together anymore. Together with that acceptance is the acceptance of all the pain and the memories. Now going with your break up issue, I guess you are right in doing it. I believe that in every relationship trust is the determining factor. In your case your loss of faith in both of you and the trust in his fidelity corrodes this bond. There is no sense anymore on trying to cling on a relationship where one is always doubtful.

Hindi masamang magduda ngnit hintayin muna nating may mabigat na patunay bago tayo pagapi sa mga dudang ito. Ang mga nagdududa ay mismong sa kakayahan at sarili nila nagdududa. Wala silang kumpiyansa kasi sila ay mga chaka. Forgive me for being rude pero totoo yun.. ang mga taong paranoid at nambibitang ay kalimitang sila ding gumagawa ng kabulastugan.

Ngayong Pasko malamig ang Pasko mo dahil sa kagagawan mo. Pero well atey ang tanong ko jan.. mahal mo ba boylet mo? mukha kasing hindi mo din gustong balikan pa siya.. or gwapo ba ang boylet mo kasi pakiramdam ko na mukha siyang kriminal na hindi katiwatiwala kaya may basehan angt pagdududa mo. Pakiramdam ko kasi sa sulat mo itsurang snatcher ang boylet mo na kailangang gumawa na ng masama kasi kahit walang ginawa ay unang paghihinalaan.

Payo ko sayo teh. Humingi ka kay Santa ng boylet na matino ngayong Pasko at hingan mo din ng matinong girlet ang ex mo.. Happy holidays mga tagasunod..

Friday, December 2, 2011

Reflection Drama

Dear Kimmy,

I am not sure if ako lang ba ang nag iilusyon or what.. or baka di ako makaget over sa mga bagay bagay at hayop hayop.. ayun so when I found someone na kapangalan halos ng aking former love, super na attract ako sa kanya kahit sa alam ko naman ay hindi siya ang tipo ko talaga? ano ba ang tawag dito? ano ang marapat kong gawin para di unfair sa akin sa kanya sa kanila.. sa ating lahat.. ganun

Love,

Kimmy

Dear Kimmy,

Ako ba ito? bakit tayo magkapangalan.. iiisipin siguro ng ating mga kakultong nagbabasa at sumusubaybay sa aking mga blogs na siraulo na siguro ako or gumigimik lang para mapansin.. well wala akong pakialam sa kanila kasi opinyon nila iyon.. dun nila dalhin sa korte o sa barangay..
nwei kimmy ang tawag jan ay wapak... tigilan mo na yan teh bago ka pa magkasakit.. ahahhahha pag di mo tinigilan ikaw ang isusuplong ko sa barangay.. hindi healthy ang ganyan.. di ka lang makaget over at pinipilit mong ilipat sa ibang tao ang affection mo.. wag ganun kasi mali yun sa mata ng ibang tao.. like I care or you care pero alam mo naman.. basta masama na yun walang ibang tanong tanong.. kumalas na sa ganyang drama.. nakak addict yan.. mahirap na..

kimmy

Tuesday, November 29, 2011

Bromance

Dear Kimmy,

I just transferred to anew job where I met a guy who I first thought as straight. I am openly gay and it strikes me that he is very open to befriending me knowing thet he is from a Catholic School. I am aware that most graduates from these Catholic schools are homophobics and bigots. I know a lot of them that is why I am sure of my claim that most of them. I am then not surprised when he sent me a chat message telling me he loves me and if there could be a possiblity of a relationship. I was shocked and do not know what to tell him. I do not like him to be my bf and I do not also want to lose a new friend. How can I tell him that?

Rad

Dear Rad,

Ikaw na ang mahaba ang hair teh.. kebago bago mo ay umaarangkada na kabaklaan mo. Anyway happy ako for you dahil mukhang ok naman ang working environment mo na tanggap ang kabekihan. So if you are asking me of what you must do to break it to him gently na hindi  mo siya gusto, wait lang muna at may tatanungin ako. Why don't you like this guy? chaka ba siya or pandak or baka may polio.. ganun kasi kung gwapo ay ibigay mo na lang ang number ko at sabihin mong kami ang bagay.. ahahha joking aside. sa tingin ko ay maging honest ka lang  at gamitin mo ang forever linya na let us stay as friends... san ka pa... di ba di lang sa babae at lalaki applicable ang mga modang ganun.. mapabeki man binding pa din.. wapak..ayan so if di mo kayang sabihin.. itext mo na lang or mag iwan ka ng note sa work station niya para malaman ng mga kasama niya.. o diba bongga. Pero ang sa akin ah.. pinaka effective pa din na nagawa ko para i evade ang mga ganyang drama ay mag kunwaring walang narinig.. ganun.. feel ko mahihiya naman siyang umulit na sabihin e..

Kimmy

Monday, November 28, 2011

The Rightist

Dear Kimmy,

I am deeply attracted at a man I can not understand fully what his character tone is. This hour he is amiable and the next hour he can not even strike a civilized chat with me. I am bothered since my feelings for him did not subside despite the fact that he is difficult. Lately, I can not figure out whether we are going somewhere or not since also his text messages are problematic. Help me out.

Carol

Dear Miss Carol,

I can actually relate to your problem very much....knowing someone who is very difficult to understand. Despite this, the best solution I can give you is to converse with the person in half truth and to lower your expectations, in that manner, you are keeping reservations to avoid being completely devastated should he resort to his unpredictability to get off any understanding that you and he might forge.

Effort yang English teh ha kaya mag shift ako to Tagalog kasi I am not sure if I am making any sense at all. Ang masasabi ko sayo.. marami ang matinong kausap jan sa mundo.. ang tanong, baka di ka nila kausapin dahil ikaw pala ang magulong kausap. Sabi nga sa communication, minsan akala natin ay yung iba ang may pagkukulang ngunit minsan we need to outsource a view of ourselves kasi iba ang point of view ng ibang taong nakamasid sa atin.. Baka sa huli ikaw pala ang lukaret jan..

Okidoki.. pag di pa din nalutas ang iyong problema ay sabihan mo ako at bibigyan kita ng mga possible optiosn upang mabaling sa iba attention mo.. If you want, sendmo sa kin full name at number at sexy picture at ipalabas kita sa Toro or sa tiktik..kidding aside, marami talagang pwede jan palinis mo lang yang katarata mo..

Love,

Kimmy

Monday, November 21, 2011

Reglalow

Dear Kimmy,

It is my problem kasi ang nabunot ko para sa exchange gift sa office ay mukhang naglagay ng isang mamahaling item para sa kanyang gustong matanggap. Ang catch pa nito, di pa namin pwedeng tanggalin ang price tag kaya wala talagang daya. Ano po ang maari kong gawin kasi mejo nagigipit po ako sa finances ngayon.

Imee


Dear Imee

Tama nga at mejo nakakakulo ng regla yang nagganap sa buhay niyo.. actually yan na ang sikat na gawain ngayon ng mga tao na sumasabak sa exchange gift upang maiwasan ang mga taong manloloko. Baka isa ka dun.. ayaw ilagay ang presyo para bumili ng murang version nito sa tiangge at sabihing orig yun. very bad yun.. very bad na gawain kaya for more ay dapat sigurista na tayo. Kasi kaya nga exchange gift ang tawag kasi parang barter di ba.. exchange.. barter.. ganun.. yung gift di ko alam bakit andun.. basta barter yan.. alam ko yan ang natutunan ko sa Sibika at Kultura. Nwei ang tamang gawin mo ay magkasakit ka sa araw ng gift giving.. sa ganitong paraan makokonsensiya ang sukab na yan at di ka na sisingilin pagbalik mo.. Ok lang na wala kang matanggap kasi wala ka din namang lugi jan. Pwede mo ding gawin ay iba na lang ang bigyan mo ng gift jan sa wishlist at kunwari ikaw talaga nakabunot.. hanapin mo yung nagpapabili ng mura.. para if ever magkabukuhan na 2 dun sa mumurahing nagpapabili, mapipilitang iaward na lang dun sa nagpabili ng mahal yung isa para nga naman di magmukhang kawawa. Yun nga ang dapat kasi gift nga.. nwei.. if ayaw mo ng gumastos sabihin mo saksi ka ni Jehova at bawal sa inyo ang regalo.. ngayon ka lang nabinyagan kamo..

Love Kimmy

Thursday, November 17, 2011

The Wolf Next Door

Dear Kimmy,

I am super naiirita sa katabi ko sa maing opisina kasi bukod sa malakas ang tawa niya ay super bad breath pa siya. Imagine na nasa kabilang table siya ngunit nabobother ako sa amoy ng hininga niya. Nasabihan na siya pabiro before to stop being noisy kasi causant siya ng air pollution ngunit mukhang hindi tinamaan. Di ko alam ang aggawin ko kasi ako ang talagang hilig niyang kausap.

Love,
Vampirah

Dearest Vampirah,

Alam mo teh mura lang ang facemask.. Bumili ka at isuot at tignan natin kung di mahihiya ang babaeng may bungangang tambutso.. Pag ayaw pa din.. Sabihin mo na pafumigate niya bunganga niya.. baka may cancer of the teeth na siya and stage na ng decomposition ang drama. Pag ayaw pa din.. sabihan mo ako ng mabusalan ko na yan.. sorry at nagmamadali ako..



Nagmamahal,
Kim

Tuesday, November 8, 2011

No other Man

Dear Kimmy,

I think I am inlove with a homosexual and I do not know why.

Love,
09989779



Dear Kuya,

Isa lang po ang sagot ko jan.. It takes courage and a lot of love.. keep the fire burning. do not be afraid.. why??? will God discriminate? ching.. well di naman God ang mga hinayupak na mga tao na mapanghusga na naloloka pag nakakita ng 2 lalaki together. Ika nga.. why is it not an issue to see men holding guns then men holding hands.. san ka pa.. ahhahha hangad ko kaligayahan niyo..


sumasaiyo,

kimmy

Sunday, October 16, 2011

Crossing bridges

Dear Kimmy,

May karelasyon akong seaman ngayon at paalis na siya next week. Kinakabahan ako kasi this time na nadito siya ay mistulang malamig na siya sa kain. Mag on na kami for almost 3 years bago pa siya nagbarko. I really love the guy pero di na ako sure sa kanya. What should I do?

Seaman naloko

Dear Seaman Naloko,

ayun so ang akin lang naman baka naman kasi sa super kaatatan mo na punan ang mga panahong di kayo magkasama ay di na maabot ng mga taong mortal yang pananabik mo. Baka you are too eager excited or whatabing at di lang lumelevel ang sa Bf mo.. It is normal kasi ang mga ganyang lalaki naman ay di gaanong nakakamiss kasi karaniwang may mga pugad din sila sa ibat ibang panig ng mundo.. So kung ako sa yo.. let the relationship go pero rendahan mo sarili mo para di ka loser pag nagkabasagan na.. so ayun.. let him be happy. be happy.. Go to Jolibee ganun.. so ayun.. since mga bata pa naman tayo at sana wala ka pang naipundar sa kanya maliban sa emotions.. do cross the bridge when you get there..

Kimmy

Thursday, October 13, 2011

the law of love

Kumusta po kayo mga kapanalig. Mejo natagalan po bago ako nakapagpost kasi mejo may pinagkaabalahan lang ngunit tuloy po ngayon ang aking pagsagot sa mga katanungan mula ngayon,, salamat sa mga nagpapadala ng kanilang mga tanong , suliranin.....


Dear Kimmy,

Ako'y nagmahal, nasaktan at pinilit bumangon muli sa kinasadlakan. Sa katunayan ang istorya ng aking pag-ibig ay isang kamartiran, bigkas ng aking mga kaibigan, ngunit sa akin ito'y tunay.

Masaya ang panahon na nakasama ko ang aking kasintahan. OO, minahal ko siya higit pa sa aking sarili. Ngunit pinili niya akong pakawalan, sambit na ito'y payo ng kanyang nakakatandang kapatid upang mapagbigyang tuon ang aral sa pag-aabugasya.

Lumipas ang mga buwan pati na rin ang sakit na nararamdaman. Ninaiis kong maging kaibigan niya. Ngunit aking nalaman, kanyang panuring, ang aming naging relasyon ay isang "misinterpretation" at aking pagkakamali. Hindi ako tanga, kaya kong ilahad ang katunayan ng walang kasinungalingan.

Ngayon, hindi ko alam kung nasa puso ko pa rin ang pag-ibig na naramdaman sa pagkat matinding galit na lang ang aking nadarama. Ang pagiging matagumpay higit pa sa kanyang matatamo ang ang aking layunin. Balang araw, pag-sisisihan niyang ako'y sinaktan.

Dear Kimmy, masama ba na ikimkim ko ang puot na aking nadarama o masmakabubuti na ito'y piliting kalimutan na lamang?(na hindi ko naman talaga magagawa.)

Anna Amelia Lot


___________________

Dear Miss Amelia Lot,

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong kwentong pag ibig. UUnahin kong punain ang iyong pagtukoy ukol sa paglimot ng karanasang umibig ka at nasaktan. Sasabihin ko sa yo that the past whether it is painful or happy must not be forgotten.. for it is not the past that matters but what matters is how it would impact your life in the future. We must always be grateful when we are hurt for these are lessons that teach us where we have gone wrong. Napakahalaga na makita natin kung saan tayo nagkakamali.. not because to remind us na di na natin uulitin ito or fall to the same mistake again but to learn to be grateful sa ating Panginoon for giving us another chance to make things right.. probably on your case to fall in love with better people.. Alam mo pag sinasarhan tayo ng Diyos ng pintuan ay laging may isa pang iniwang bukas o bubuksan pa lamang. Ang problema lamang ay minsan tayo ay we tend to look at the closed door obsesively that we fail to see the better opportunity given by our Lord. Nwei ikaw teh ay di dapat pakabitter.. nakakahiya ka parang high school ang emote mo... it is not how matured people deal with it.. matured people get up and thank that source of pain for somehow touching your life--sharing memories---- with you at one point in your life.. wag ka maniwala sa paghhihiganti drama ng mga teleserye.. feel mo ata ikaw si marimar na babalik at gaganti.. nono no.. e ano mapapala mo? is it just to sate your childish ego?


muli maraming salamat.. mabuhay ka..


Kimmy

Tuesday, September 27, 2011

Hagupit ni Pedring edition

Dear Kimmy,

Pinilipit kaming pumasok kanina kahit na malakas ang hangin at may manakanakang pag ulan. Do you think that is right? as in i feel na di makatao yun. I work as an events organizer sa Makati at sa QC pa ako nakatira. Naiirita na ako ang I am thinking of resigning na. Di makatao.

Anne


Dear Anne,

Uhm on first thought ay maaring tama ka nga jan at di makatao. oo nga naman; wala masakyan, malakas ang hangin, may ulan, halos lahat ng tao wala ng pasok at kayo lang ang tinaguriang mga water and wind proof employees. Bago pa man ang lahat ay mabuhay kayong may mga pasok at sumuong sa bagyo.. dapat kayong patayuan ng dambana.. wapak ganun. well pero in defense naman jan sa boss mo or sa work mo, malay ko ba baka 50k pala sweldo mo at na sa events ka pa.. e di mas wala kang kalayaang magreklamo... at pwede din na sa ibang bansa ang managed events niyo or sa Davao kunwari kung saan di apektado ng bagyo. come on be professional ate.. mag inarte ka na lang pag sarili mo na yang kumpanya.. lalo na ngayon na maraming aberya sa transportation and stuff, dapat nga na nadun ang events organizer to organize the event para di magpanic ang tao.. mag organize ka kunwari ng swimming class sa baha or stero cleaning activity mga ganun.. o di ba napa CSR kayo ng wala sa oras.. pagdasal mo muna yan bago mo layasan. God Bless and be safe sa lahat ng mga taga sunod ko sa blog na to. mabuhay kayo

Wednesday, September 21, 2011

Isang paglilinaw

Minsan sa ating kuwento ng buhay ay may nakakahawig tayo ng kuwento. Hindi ito nakakapagtaka sapagkat ang ating mga suliranin ay nakabakat lamang sa iilang mga bagay at nagkakkaiba lamang ito dahil sa mga tauhang gumagalaw sa sari-sarili nating kuwento. Ang aking mga pagpapayo sa blog na ito ay galing sa aking puso. This is with sharp honesty that may hurt those who are weak by heart. The TRUTH BITES. so sa mga ayaw po sa blog ko na ito at dun sa mga natatakot marinig ang masakit na katotohanan. Do not bother to visit it and continue to wallow on your own disillusions.

This is my blog, I take full responsibility on my opinions and I stand by them. 

Salamat sa mga tumatangkilik.

Nagmamahal,

Kimmy

Sunday, September 18, 2011

rainy days and mondays

hi kimmy,

maulan ngayon at I am lazy to go to work.. advice mo naman ako. should i go to work or should i not.

girl in bed


Dear girl in bed,

Kumusta naman jan sa pangalan mo. di naman masyadong nakakahiya ano. paalala lamang po kasi mejo conservative ako at mejo nabastusan ako sa name mo. mejo lang naman. slight lang. nwei so doon sa problem mo kung papasok ka.. well if tinatamad ka talaga.. tumawag ka sa office niyo at sabihin mo na lahat ng pwede mong sakyan ay sumama sa tigil pasada. pwede mo ding sabihing sideline mo ang driving kaya nakikisimpatya ka sa mga driver. pwede din na sabihin mo na lumiban ka sa work kasi may bagyo noong weekend at dapat makiramdam naman tayo sa mga sasalantain nito saan man siya ngayon. Ngunit kung no work no pay ka naman sa work. pumasok ka na teh..

Thursday, September 15, 2011

National Tanga Awardee

Dear Kimmy,

Nagmamahal po ako ng isang tao na malinaw naman na hindi ako mahal. May pamilya na po siya at kahit di sila kasal ay alam ko na siola ang pipiliin over me. What should I do, should I continue to engage in this relationship?


Bubbles

Dear Bubbles,

Alam mo award na award ka na sa mga asosasyon ng mga martir at tanga. Alam mo naman na malinaw pa sa malinaw na tubig ang katotohanang maling mali ang ginagawa ninyo. Sa panahon ngayon, kahit di kasala basta may anak, may sabit na iyon. Maawa ka naman sa anak nila.. ngunit higit sa lahat.. maawa ka sa sarili mo. You deserve more than that. Ika nga.. andaming isda sa dagat.. bakit sa daing ka pa nakikipag agawan. Dun ka sa mga pating para ikaw ang pag agawan. Alam ko naman na bata ka pa at marami ka pang makikilalang mga lalaki.. o mga babae din. sana ay maging maliogaya ka in the future. Mahalin mo ang sarili mo. pahalagahan mo.. bago ka magmahal ng iba.. mahalin mo sarili mo... do not make yourself too available.... di ka buffet.. ok salamat sa mga patuloy na nagsesend ng kanilang mga problema na aking nasasagot sana..

Tuesday, September 13, 2011

Pamilya o Kaligayahan

Dear Kimmy,

May kaibigan po ako na nag issip kung panahon na ba na para magdesisyon para sa sarili niya o  magsakripisyo para sa kanyang pamilya.


Private Ryan


Dear Private Ryan,

Alam ko naman na ikaw talaga ang tinutukoy mo dito.. Mejo mahirap nga naman na mamili ka sa sarili mong kaligayahan at sa iyong pamilya. Ngunit isa din itong katanungan na dapat mong tanungin sa sarili mo. Since ang rason naman para sa mga desisyon natin lagi ay ang kaligayahan natin sa ating mga ginagawa. Ngyon ikaw ba ay masaya sa patuloy mong pagsasakripisyo para sa pamilya mo? kung oo siguro pwede mo pang ipagpaliban ang sarili mo ng konti. Ngunit kung ayun na nga na lampas ka na siguro sa kalendaryo ay nagmamadali ka na ding umayos sa buhay, marapat na sigurong piliin mo sarili mo. Magulo ano. Ngunit ultimately, kung saan ka masaya Go ka dun.. Di ka dapat matakot na ikasama ng loob ng pamilya mo ang gagawin mo. Kung mahal ka nila, maiintindihan nila. Kung magagalit sila.. sumbong mo sa akin ng mapektusan na.. Okie dokie.. Goodluck sa pamimili ng choice.

Monday, September 12, 2011

Nagmahal ng sundalo

Dear Kimmy,

Isa po akong dalagang nagtratrabaho sa isnag opisina ng militar kung saan ako ay nainlove sa isang opisyal na may asawa na. Hindi naman niya hayagang pinapakitang may gusto din siya sa akin ngunit everytime na magkasama kami ay masaya kami. Ano po ba ang dapat kong gawin. Mali po ba ito? masama po ba ito? Tulungan niyo po ako.

Maricel


Dear Maricel,

Unang una bago natin isiping may probema nga ay tignan mo muna ang iyong sarili. Suriin mo at baka feelingera ka lang na bet ka din ng soldier. Baka mega payo pala ako dito ay kung ang truth naman is that isang one sided affection lang ang nagaganap. So siguraduhin mo.. if matapang ka confront mo ang lalaki kasi masama iyon. Alam naman nating ang mga sundalo ay mahilig talaga sa ganyan so please sanitize yourself from their sweet talks and be discerning enough to see what the truth is. Alin sa mga pinapakita niya ang totoo at alin ang echeng lang. Sana din ay tigilan mo na itong kalokohang ito.. You were asking me if mali ito right? well maling maling ito. Ang pag aari ni maricel ay kay maricel.. ok? pak na pak na yan. Hanggang sa muli.

Saturday, September 10, 2011

Opening Tumbling

So ayan maraming mga kapatid ang nagsasabi na gayahin ko daw si Miss K Brosas sa kanyang Kablog na blog kung saan siya ay nagbibigay ng payo sa kanyang dear te segment. Isa itong video blog at sa akin ay bongga nga ito.. pero di ko siya gagayahin- ng konti.. ahahahah like text blog na lang at di video blog dahil feel ko naman ay kaya ko ding magpayo ng mga anik anik na kahayupan.. ahhahah kidding aside.. so simulan po natin ang blog na ito sa isang liham ng aking kaibigan na itago natin sa pangalang... Faith Healer

Dear Kimmy,

Matinding pagmamahal po ang nararamdaman ko sa isa kung kaklase sa graduate school. Natatakot lang po akong ipagtapat sa kanya kasi baka mareject ako.. Gwapo siya at ako naman ay mataba.

Sumasainyo,
Faith Healer



Ang maipapayo ko lang sa iyo faith healer ay ayusin mo muna ang buhay mo.. naniniwala ako na hindi yata parallel na ikumpara mo yung gwapo at mataba. Bakit di ba pwedeng mataba ka at maganda. maniwala ka sa sinasabi ng mga tao na ang kagandahan ay nasa loob.. well kadalasan ay pampalakas ng loob ng pangit yun pero malay mo magwork sa yo. ngunit kung di naman effective yun para mabuild ang confidence mo na bagay nga kayo ng crush mo.. wag mo na ipursue, ang mga taong di kayang ipagmalaki ang sarili kung ano sila ay daig pa ang malansang hasang.. may ganun..nakakhiya ang mga taong di magawang maging confident sa sarili nila. Kung natatakot kang ikahiya ka o ireject ka kasi feel mo pangit ka kasi mataba ka.. well pangit ka nga.. kasi naniniwala ako na ang mga taong naniniwala na sila ay maganda ay may tiwala sa sarili at di nagaalangan maikumpara man sa iba.. maging proud ka sa iyong sarili kasi kung hindi, e sino pa ang aasahan mo na gagawa nun sayo..