Tuesday, September 27, 2011

Hagupit ni Pedring edition

Dear Kimmy,

Pinilipit kaming pumasok kanina kahit na malakas ang hangin at may manakanakang pag ulan. Do you think that is right? as in i feel na di makatao yun. I work as an events organizer sa Makati at sa QC pa ako nakatira. Naiirita na ako ang I am thinking of resigning na. Di makatao.

Anne


Dear Anne,

Uhm on first thought ay maaring tama ka nga jan at di makatao. oo nga naman; wala masakyan, malakas ang hangin, may ulan, halos lahat ng tao wala ng pasok at kayo lang ang tinaguriang mga water and wind proof employees. Bago pa man ang lahat ay mabuhay kayong may mga pasok at sumuong sa bagyo.. dapat kayong patayuan ng dambana.. wapak ganun. well pero in defense naman jan sa boss mo or sa work mo, malay ko ba baka 50k pala sweldo mo at na sa events ka pa.. e di mas wala kang kalayaang magreklamo... at pwede din na sa ibang bansa ang managed events niyo or sa Davao kunwari kung saan di apektado ng bagyo. come on be professional ate.. mag inarte ka na lang pag sarili mo na yang kumpanya.. lalo na ngayon na maraming aberya sa transportation and stuff, dapat nga na nadun ang events organizer to organize the event para di magpanic ang tao.. mag organize ka kunwari ng swimming class sa baha or stero cleaning activity mga ganun.. o di ba napa CSR kayo ng wala sa oras.. pagdasal mo muna yan bago mo layasan. God Bless and be safe sa lahat ng mga taga sunod ko sa blog na to. mabuhay kayo

Wednesday, September 21, 2011

Isang paglilinaw

Minsan sa ating kuwento ng buhay ay may nakakahawig tayo ng kuwento. Hindi ito nakakapagtaka sapagkat ang ating mga suliranin ay nakabakat lamang sa iilang mga bagay at nagkakkaiba lamang ito dahil sa mga tauhang gumagalaw sa sari-sarili nating kuwento. Ang aking mga pagpapayo sa blog na ito ay galing sa aking puso. This is with sharp honesty that may hurt those who are weak by heart. The TRUTH BITES. so sa mga ayaw po sa blog ko na ito at dun sa mga natatakot marinig ang masakit na katotohanan. Do not bother to visit it and continue to wallow on your own disillusions.

This is my blog, I take full responsibility on my opinions and I stand by them. 

Salamat sa mga tumatangkilik.

Nagmamahal,

Kimmy

Sunday, September 18, 2011

rainy days and mondays

hi kimmy,

maulan ngayon at I am lazy to go to work.. advice mo naman ako. should i go to work or should i not.

girl in bed


Dear girl in bed,

Kumusta naman jan sa pangalan mo. di naman masyadong nakakahiya ano. paalala lamang po kasi mejo conservative ako at mejo nabastusan ako sa name mo. mejo lang naman. slight lang. nwei so doon sa problem mo kung papasok ka.. well if tinatamad ka talaga.. tumawag ka sa office niyo at sabihin mo na lahat ng pwede mong sakyan ay sumama sa tigil pasada. pwede mo ding sabihing sideline mo ang driving kaya nakikisimpatya ka sa mga driver. pwede din na sabihin mo na lumiban ka sa work kasi may bagyo noong weekend at dapat makiramdam naman tayo sa mga sasalantain nito saan man siya ngayon. Ngunit kung no work no pay ka naman sa work. pumasok ka na teh..

Thursday, September 15, 2011

National Tanga Awardee

Dear Kimmy,

Nagmamahal po ako ng isang tao na malinaw naman na hindi ako mahal. May pamilya na po siya at kahit di sila kasal ay alam ko na siola ang pipiliin over me. What should I do, should I continue to engage in this relationship?


Bubbles

Dear Bubbles,

Alam mo award na award ka na sa mga asosasyon ng mga martir at tanga. Alam mo naman na malinaw pa sa malinaw na tubig ang katotohanang maling mali ang ginagawa ninyo. Sa panahon ngayon, kahit di kasala basta may anak, may sabit na iyon. Maawa ka naman sa anak nila.. ngunit higit sa lahat.. maawa ka sa sarili mo. You deserve more than that. Ika nga.. andaming isda sa dagat.. bakit sa daing ka pa nakikipag agawan. Dun ka sa mga pating para ikaw ang pag agawan. Alam ko naman na bata ka pa at marami ka pang makikilalang mga lalaki.. o mga babae din. sana ay maging maliogaya ka in the future. Mahalin mo ang sarili mo. pahalagahan mo.. bago ka magmahal ng iba.. mahalin mo sarili mo... do not make yourself too available.... di ka buffet.. ok salamat sa mga patuloy na nagsesend ng kanilang mga problema na aking nasasagot sana..

Tuesday, September 13, 2011

Pamilya o Kaligayahan

Dear Kimmy,

May kaibigan po ako na nag issip kung panahon na ba na para magdesisyon para sa sarili niya o  magsakripisyo para sa kanyang pamilya.


Private Ryan


Dear Private Ryan,

Alam ko naman na ikaw talaga ang tinutukoy mo dito.. Mejo mahirap nga naman na mamili ka sa sarili mong kaligayahan at sa iyong pamilya. Ngunit isa din itong katanungan na dapat mong tanungin sa sarili mo. Since ang rason naman para sa mga desisyon natin lagi ay ang kaligayahan natin sa ating mga ginagawa. Ngyon ikaw ba ay masaya sa patuloy mong pagsasakripisyo para sa pamilya mo? kung oo siguro pwede mo pang ipagpaliban ang sarili mo ng konti. Ngunit kung ayun na nga na lampas ka na siguro sa kalendaryo ay nagmamadali ka na ding umayos sa buhay, marapat na sigurong piliin mo sarili mo. Magulo ano. Ngunit ultimately, kung saan ka masaya Go ka dun.. Di ka dapat matakot na ikasama ng loob ng pamilya mo ang gagawin mo. Kung mahal ka nila, maiintindihan nila. Kung magagalit sila.. sumbong mo sa akin ng mapektusan na.. Okie dokie.. Goodluck sa pamimili ng choice.

Monday, September 12, 2011

Nagmahal ng sundalo

Dear Kimmy,

Isa po akong dalagang nagtratrabaho sa isnag opisina ng militar kung saan ako ay nainlove sa isang opisyal na may asawa na. Hindi naman niya hayagang pinapakitang may gusto din siya sa akin ngunit everytime na magkasama kami ay masaya kami. Ano po ba ang dapat kong gawin. Mali po ba ito? masama po ba ito? Tulungan niyo po ako.

Maricel


Dear Maricel,

Unang una bago natin isiping may probema nga ay tignan mo muna ang iyong sarili. Suriin mo at baka feelingera ka lang na bet ka din ng soldier. Baka mega payo pala ako dito ay kung ang truth naman is that isang one sided affection lang ang nagaganap. So siguraduhin mo.. if matapang ka confront mo ang lalaki kasi masama iyon. Alam naman nating ang mga sundalo ay mahilig talaga sa ganyan so please sanitize yourself from their sweet talks and be discerning enough to see what the truth is. Alin sa mga pinapakita niya ang totoo at alin ang echeng lang. Sana din ay tigilan mo na itong kalokohang ito.. You were asking me if mali ito right? well maling maling ito. Ang pag aari ni maricel ay kay maricel.. ok? pak na pak na yan. Hanggang sa muli.

Saturday, September 10, 2011

Opening Tumbling

So ayan maraming mga kapatid ang nagsasabi na gayahin ko daw si Miss K Brosas sa kanyang Kablog na blog kung saan siya ay nagbibigay ng payo sa kanyang dear te segment. Isa itong video blog at sa akin ay bongga nga ito.. pero di ko siya gagayahin- ng konti.. ahahahah like text blog na lang at di video blog dahil feel ko naman ay kaya ko ding magpayo ng mga anik anik na kahayupan.. ahhahah kidding aside.. so simulan po natin ang blog na ito sa isang liham ng aking kaibigan na itago natin sa pangalang... Faith Healer

Dear Kimmy,

Matinding pagmamahal po ang nararamdaman ko sa isa kung kaklase sa graduate school. Natatakot lang po akong ipagtapat sa kanya kasi baka mareject ako.. Gwapo siya at ako naman ay mataba.

Sumasainyo,
Faith Healer



Ang maipapayo ko lang sa iyo faith healer ay ayusin mo muna ang buhay mo.. naniniwala ako na hindi yata parallel na ikumpara mo yung gwapo at mataba. Bakit di ba pwedeng mataba ka at maganda. maniwala ka sa sinasabi ng mga tao na ang kagandahan ay nasa loob.. well kadalasan ay pampalakas ng loob ng pangit yun pero malay mo magwork sa yo. ngunit kung di naman effective yun para mabuild ang confidence mo na bagay nga kayo ng crush mo.. wag mo na ipursue, ang mga taong di kayang ipagmalaki ang sarili kung ano sila ay daig pa ang malansang hasang.. may ganun..nakakhiya ang mga taong di magawang maging confident sa sarili nila. Kung natatakot kang ikahiya ka o ireject ka kasi feel mo pangit ka kasi mataba ka.. well pangit ka nga.. kasi naniniwala ako na ang mga taong naniniwala na sila ay maganda ay may tiwala sa sarili at di nagaalangan maikumpara man sa iba.. maging proud ka sa iyong sarili kasi kung hindi, e sino pa ang aasahan mo na gagawa nun sayo..