Tuesday, July 24, 2012

Munting Hiritera

Dearest Kimmy,

Hello po. Kumusta po kayo jan? Magkukuwento po ako tungkol sa aming kapitbahay na nakakainis na. Pag dumadaan po kasi ako pagkagaling sa trabaho ay nadadaanan ko ang bahay na iyon. Malapit po kasi ako sa katulong nila kaya lagi ko siyang kinakausap. Pag dumadaan po ako ay lagi ko din pong nadadaanan ang anak na babae ng mga amo ng katulong. Naiinis po ako dahil pag tinatanong ko yung batang may 12 years old ay mataray sumagot na parang Vice Ganda. Minsan po nung tinanong ko kung andun sa loob ang katulong nila, sinagot po niya ako ng ganito. Siyempre nasa loob ng bahay alangan namang nasa bahay niyo? katulong nga namin diba? alangan namang katulong niyo? Ganun po ang sagot nung bata. Minsan ay sinabi din niya na pag nagtatanung ako. Ulit ulit na lang? Ulit Ulit? Unli ka ba? ganun po. Ano po gagawin ko sa malditang bata na ito.

Miss Precy of Calamba


Dear Miss Precy of Calamba,

At in fairness sa iyo ay pumatol ka talaga sa malditang bata na yan. Wow lang ang masasabi ko sayo. Napakamature mo naman. I find it natural na ganyan ang bata kasi yun nga nanonormalize na gawi ng pagsagot dahil sa popular media. TV man or sa mga babasahin ay yan na ang pausong paraan. We often find it amusing but true enough, if we are faced with the situation ourselves- we find it offensive na parang we are being taken for granted. Kaya before getting angry at the child, think about those times na nagawa mo din yan sa kapwa mo. Alam mo naman ngayon ay digital na ang karma... Bago mo gawin sa kapwa mo ay gawin mo sa sarili mo.. haha. Di ba tama naman. For one to realize the pain of something, one must go through it personally.

So with that said, ayan na papayuhan na kita kung ano ba dapat ang gawin mo sa batang yan para magtanda. I myself is easily irritated sa mga bratenellang mga chikiting na yan. Unang choice mo jan is isumbong mo sa magulang na bad ang anak.. hahaha ganun-lumelevel ka dapat at tumandang paurong. Pangalawa. isumbong mo na yan sa XXX or sa Imbestigador para di na siya tantanan sa kanyang kamalditahan. Pag di masyadong kaya ang ganun, better report that sa punong barangay para mapag-usapan na ang pagpapatalsik sa mag-anak na yan- just be sure na magblack propaganda ka ahead of time para marami ka supporters sa iyong petition to drive that child out. Outcast kumbaga ang drama jan. 

Tandaan, love your neighbor as you love your dog. haha

Thank you for the continuous support sa blog na to.

Sincerely,

The new and single Kimmy

PS. Kung makakumusta ka naman jan parang kamag-anak lang kita.. hahaha close masyado? next time mare pwede mag qoutation marks ha para alam ko ang sinabi ng ibang tao sa sinasabi mo. Walang bayad ang pag gamit nun. 

1 comment: