Wednesday, March 12, 2014

Sino Ka?

After a lengthy hiatus from this blog, I decided to answer this email coming from an old "friend"daw. hahahha.

Dear Kimmy,

Kumusta ka naman? Bakit matagal na yatang hindi ka nagpopost dito. This is my second letter. My first letter was never published for reasons na ikaw lang po ang nakakaalam. We used to talk a lot pero hindi na ngayon. Siguro kasi after college nag-iiba na ang circle of friends at priorities sa buhay. We used to go around the oval talking about other people. Doon ka naman talaga magaling ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Nagbago ka na ba? I miss your pagiging straight-forward. Kahit sa personal problems ko ay nahihingan kita ng payo. Remember when I used to ask possible solutions for problems of a friend? sa katunayan buhay ko talaga yun. Nahihiya kasi ako nung time na yun kasi di talaga tayo close. Of all the gay people na kilala ko ay sayo ako pinakarelax kasi wala kang kati sa katawan. I hope na through this letter ay mabuild ulit natin ang whatever we had. 

Reminiscing,

Mr Heartthrob 2005

Dear Mr Heartthrob 2005,

I am very happy to find an avid fan here kahit alam ko na nag-iisa ka lang hahahha. I have forgotten about this blog until your email came. I have to apologize kasi di talaga kita maalala hahahahha Ang naalala ko lang na kausap ko while going around the oval ay ang mga bekbek ko na friend. At ang blog ko po na ito ay sanguinian ng mga problema. Parang wala ka namang suliranin. Inokray mo lang ako na mahilig mangialam sa buhay buhay.

Natatakot ako actually kuya kasi di kita maalala. May nalalaman ka pang rekindling what we used to do. Alam mo ba na ang selective amnesia ko ay para sa mga taong nanakit sa akin? ikaw ba ang ama ni Andrew? ayaw ko nang balikan ang masamang ala-ala nung pinanganak ko siya. Magkikinder na ang anak natin- hindi ako humihingi ng sustento, kaya ko siyang itaguyod, wala akong balak na guluhin pa kayo. Wag na wag mong ilalayo sa akin ang anak ko. Tinatanong mo pa kung nagbago na ako? oo Nagkabilbil na ako kasi shinota mo ako at binuntis pa. Hahahahahha

Nasa FB lang naman ako. we can always reconnect. Pero i have to warn you that if you have any romantic feelings towards me, please forget it na po kasi I am not interested hahahahha. Honestly I am thrilled to see the face of the Heartthrob. Feeling feelingero kang gwapo ka kasi mga kapangitan usually mga kilala ko na sumasangguni. I remember right kasi ang payo ko usually sa kanila ay wala na tayong magagawa sa suliraning kapangitan.

Love, love, love,

Kimmy

No comments:

Post a Comment