Promise, witty lang ang makakapick-up dun sa title.
Dear Kimmy,
I am writing this letter to share
how deeply pissed I am with the UP people after the 2012 UAAP Cheerdance
Competition. I heard you are a fellow Tiger kaya siguro naman ay nakikiisa ka
sa aming observations regarding sa matinding pagyabang nga mga taga UP. For so
long the SDT held the spot for the most wins and even the 5peat feat is still
to be equalled by any other cheering squad.
Did the other schools hear from us na nagyayabang? Hindi diba. I have my
elder brothers and sister study in UST also and we have observed that di
yumayabang mga students dito when nanalo. Tapos idagdag pa jan ang sinasabi ng
marami na dapat daw La Salle number 4 at di ang SDT. Ano ba? Ano ang big deal
dun? Maganda din naman at competitive ang performance ng SDT ah? Bakit andami
bitter? In my own opinion ay di kami katulad ng ibang cheering squads jan na
nanggagaya ng routines at style o kahit theme ng mga kalaban during the
previous seasons.
May mga kaklase ako from
highschool who studied sa UP and they are so proud to the extent of bullying us
UST students for a poor performance daw ng SDT. May mga nagsasabi daw na palaos
ng palaos na sila. I think na hindi naman ganun kasi maganda nga ang nagging
performance nila. Minsan nga lang ay iba-iba din ang taste ng judges kaya
natural na minsan nanalo at minsan natatalo. Ok lang naman sa akin ang maging
proud pero wag naman sana yung nang-aasar pa kasi nakakainis na talaga eh.
Given the chance na I can dance talaga, sasali ako sa SDT at ipprove jan sa mga
ibang schools na di pa kami laos.
Kahit na 4th na lang
ang SDT this year, very proud pa din ako sa kanila.
Little
Miss Growling Tiger
Dear Little Miss Growling Tiger,
Before I start reacting to this
letter, let me clear a confusion here. Although I am flattered that some may
think that I am from UST and true enough- a part of my heart ONCE resided in
UST (hahaha charotness wag na pangalanan at may magseselos ng matindi) but I
cannot denounce my ISKA citizenship (mabaog ang kokontra) dahil magagalit ang
aking boylet na isang isko (from the College of Engineering- Department of
_____ Engineering to be exact). Given the opportunity na makakita ako ng isang
Tiger na kasingtalino, kasing gwapo, kasing bait, kasing sipag ni Chovako ay go
lang ako na magchange ng citizenship. Ganun naman di ba yung mga babae pag
nag-aasawa, sinusuko ang kanilang mainden name? Feelingera lang ako eh. So here
I am caught between the urge to bash you since you have pointed out that my
fellow iskos and iskas are naging mayabang at alaskador right after the CDC and
the desire to remain neutral as a blogger na hinihingan ng payo ng isang
eklatera.
During my time as an
undergraduate student at UP, the greatest rival we have when it comes to CDC ay
ang UST- no doubt with that. So let us trace back my dear ano.. so dati-rati ay
isa ang SDT sa mga namamayagpag sa CDC at ngayon ay number four na sila and
still riddled with a lot of jeers pa kasi may mga nagsasabi nga na La Salle
dapat (Sayo galing tong info na to na vinalidate ko by lurking sa PEX- very
credible diba). So ano ang tawag mo doon? Graceful pagdausdos? Uhm
pansamantalang pamamahinga ang #difeelngjudgesangdrama? Or pwede ding
#kakaumaymanalopatalonamanminsan? Hahaha BukoJuiceko Maria tama na yang
maang-maangan portion mo at magising ka sa katotohanan- ang term ng mga Tagalog
sa phenomenon na yun ay pagkalaos. Go lang correct me if I am wrong. Pero ayun
nga marami namang mga boldstarlets noon ang nagawa pa din sumikat sa showbiz
kahit laos na ang panahon ng bomba sa Pinas dahil sa pagsulpot ng mga napakadaming
aspiring pornstars. Guyabano Juiceko Matilda ayaw ng boylet ko ng ganyan kasi
madasalin siya. Haha Kaya never too late para sa SDT na bumangon muli at
durugin ang ibang school wag lang ang UP PEP. Hahaha Walang halong bias jan.
On the suggestion that given na
magaling ka sumayaw ay sasali ka sa SDT- wow lang naman please let me react.
Teh naman kahit anong gawin mong kakasplit dun. O kakatumbling o magpyramid ka
mang mag-isa or magngangangawa ka- ano naman ang magagwa mo sakaling andun ka
na ikaw lang ang makakagawa? Di ba the dance is supposed to be a group effort.
Di ka pa nga member ay feelingerang pa-star ka na agad? Ayaw ng SDT sa mga
primadonna sabi sa akin nung friend ko sa La Salle. I would not vouch for the
credibility of that statement ha.
On the point na hindi marunong
mangggaya ang SDT- hmmm tahimik na lamang ako jan at walang sasabihin. Although
the festive theme na Brazilian din daw I think was evident from a UP Pep
performance a few years back. So are the other stunts that are being recycled
and tagged as their own. Aside from that no comment na talaga. And wait lang pala, bakit naman hindi magmamayabang ang kasikohan at kaiskahan e nanalo nga? Magtaka ka na lang kung natalo nagyayabang pa. Yun na ang masama day!
Kung ako lang ang tatanungin at
pwedeng magmagaling- just for one lang please. I would suggest that SDT should
bank on their strengths in order to recapture their slot on the top 3. Since
bahain naman jan baka naman nagmutate na kayo to adapt with the floods at
gumaling kayo sa sisiran or pamamangka so why not gamitin yun sa mabuting
paraan. Magtrain na lang kamo sila para sa dragonboat team at swimming team at
sakaling makapasok ulit sila sa top 3 ng swimming at rowing. Oha san ka.
Title pa lang maipilit lang.
No comments:
Post a Comment