Thursday, February 21, 2013

Sosyal

Dear Kimmy,

I am hoping that this letter would sound interesting to you, interesting enough to deserve a reply sa blog mo. I am so much like you sa pagiging echosera. I am sure na pag magkakilala tayo ay magiging close na mag mars tayo. My story is all about a workmate of mine na malakas maka social climber. She is extremely inggitera kaya naman she is living beyond her means. Kapag may nakita siyang mga sosyal na kagamitan ang mga katrabaho niya, sige at bili siya. Pero most of the times she can not afford it. She also pretends to have a rich boyfriend who can supply her luxuries but I doubt it. She is a pretentious user nanakikipag kaibigan lamang sa people in power. Ambisyosa, nagmamayaman, nagmamaganda at napakalandi all rolled into one at siya nga yun. Nakakairitang kasama sa opisina ang ganun. Give me good tips para maayos ko ang discomfort ko na to.

Thank you in advance mars.

Vinvin Bakla

Dear Beks,

I can completely relate to that kainisan levels darling kasi I know someone na ganyan din. Well for me, let them be. It is how they live their pathetic lives. They are practically leeches. If we allow them to suck away our enthusiasm off our jobs- hinahayaan lang natin silang magtagumpay sakanilang misyon. Angmisyon nila dito sa mundo sakaling you might not be aware of ay maghasik ng insecurities. Hahahaha If you are secured sa sarili mo at confident ka sa kakayahan mo, do you need to do that? I believe that aggressive people work their way to success faster but I do not personally endorse that type if kaepalan is a better word to describe it?

I do not think I can give tips  na makakatulong upang iease yang discomfort mo kasi dapat that is something personal. Mindset lang yang nabobother ka sa ibang tao. Ako I do not let those low level bitches get into my systems. Ganda ganda ko papalaspag lang ako sa mga kagaya nilang mukhang multo? Puhhhlease lang. Binigay ng Lumikha ang kagandahang ito upang ibahagi sa mga mas may kailangan.

Maiba ako.I can sense that the bitterness is deep rooted kaya ang hinuha ko ay naagawan ka ng booking ng climber na ito. Doon mo ba hinuhugot ang galit na ito? ahahahahha Mamatay na silang lahat na social climbers. Sabihan mo yang friend mo na magtatag ng special interest group at tawagin nilang the social climbing group. They must aim to climb the Everest level of kasosyalan kaya try and try until you run out of money. Try and try maging sosyal hanggang sa kaluluwa niyo naisangla niyo na din sa demonyo. ahahahha Wag naman tayo selfish teh kasi echosera sila kasi gusto nila mareach ang goal nila sa buhay na magmukhang sosyal kahit sa katotohanan ay hindi. Sabi nga ni Maslowe ay self actualization ang rurok ng mga pangangailangan at sa kanilaay ang katuparan ng social climbing nila ang self-actualization nila.

Hayaan mo lang silang mamuhay sa mundo nila ng price tags, ng mga brands, at ng mga minsan minsan nilang nakakainang sosyal na restaurant.  Minsan lang sila masayaran niyan kaya yaan mo na. Live and let live.


No comments:

Post a Comment