Tuesday, September 27, 2011

Hagupit ni Pedring edition

Dear Kimmy,

Pinilipit kaming pumasok kanina kahit na malakas ang hangin at may manakanakang pag ulan. Do you think that is right? as in i feel na di makatao yun. I work as an events organizer sa Makati at sa QC pa ako nakatira. Naiirita na ako ang I am thinking of resigning na. Di makatao.

Anne


Dear Anne,

Uhm on first thought ay maaring tama ka nga jan at di makatao. oo nga naman; wala masakyan, malakas ang hangin, may ulan, halos lahat ng tao wala ng pasok at kayo lang ang tinaguriang mga water and wind proof employees. Bago pa man ang lahat ay mabuhay kayong may mga pasok at sumuong sa bagyo.. dapat kayong patayuan ng dambana.. wapak ganun. well pero in defense naman jan sa boss mo or sa work mo, malay ko ba baka 50k pala sweldo mo at na sa events ka pa.. e di mas wala kang kalayaang magreklamo... at pwede din na sa ibang bansa ang managed events niyo or sa Davao kunwari kung saan di apektado ng bagyo. come on be professional ate.. mag inarte ka na lang pag sarili mo na yang kumpanya.. lalo na ngayon na maraming aberya sa transportation and stuff, dapat nga na nadun ang events organizer to organize the event para di magpanic ang tao.. mag organize ka kunwari ng swimming class sa baha or stero cleaning activity mga ganun.. o di ba napa CSR kayo ng wala sa oras.. pagdasal mo muna yan bago mo layasan. God Bless and be safe sa lahat ng mga taga sunod ko sa blog na to. mabuhay kayo

No comments:

Post a Comment