Thursday, September 15, 2011

National Tanga Awardee

Dear Kimmy,

Nagmamahal po ako ng isang tao na malinaw naman na hindi ako mahal. May pamilya na po siya at kahit di sila kasal ay alam ko na siola ang pipiliin over me. What should I do, should I continue to engage in this relationship?


Bubbles

Dear Bubbles,

Alam mo award na award ka na sa mga asosasyon ng mga martir at tanga. Alam mo naman na malinaw pa sa malinaw na tubig ang katotohanang maling mali ang ginagawa ninyo. Sa panahon ngayon, kahit di kasala basta may anak, may sabit na iyon. Maawa ka naman sa anak nila.. ngunit higit sa lahat.. maawa ka sa sarili mo. You deserve more than that. Ika nga.. andaming isda sa dagat.. bakit sa daing ka pa nakikipag agawan. Dun ka sa mga pating para ikaw ang pag agawan. Alam ko naman na bata ka pa at marami ka pang makikilalang mga lalaki.. o mga babae din. sana ay maging maliogaya ka in the future. Mahalin mo ang sarili mo. pahalagahan mo.. bago ka magmahal ng iba.. mahalin mo sarili mo... do not make yourself too available.... di ka buffet.. ok salamat sa mga patuloy na nagsesend ng kanilang mga problema na aking nasasagot sana..

No comments:

Post a Comment