Wednesday, September 21, 2011

Isang paglilinaw

Minsan sa ating kuwento ng buhay ay may nakakahawig tayo ng kuwento. Hindi ito nakakapagtaka sapagkat ang ating mga suliranin ay nakabakat lamang sa iilang mga bagay at nagkakkaiba lamang ito dahil sa mga tauhang gumagalaw sa sari-sarili nating kuwento. Ang aking mga pagpapayo sa blog na ito ay galing sa aking puso. This is with sharp honesty that may hurt those who are weak by heart. The TRUTH BITES. so sa mga ayaw po sa blog ko na ito at dun sa mga natatakot marinig ang masakit na katotohanan. Do not bother to visit it and continue to wallow on your own disillusions.

This is my blog, I take full responsibility on my opinions and I stand by them. 

Salamat sa mga tumatangkilik.

Nagmamahal,

Kimmy

1 comment:

  1. Sapagkat di ko pa gamay ang google+ at talagang nais kong magtanong at humingi ng payo, ipagpatawad mo at dito ko na lang maisusulat ang aking 'isorya'.

    Dear Kimmy,

    Ako'y nagmahal, nasaktan at pinilit bumangon muli sa kinasadlakan. Sa katunayan ang istorya ng aking pag-ibig ay isang kamartiran, bigkas ng aking mga kaibigan, ngunit sa akin ito'y tunay.

    Masaya ang panahon na nakasama ko ang aking kasintahan. OO, minahal ko siya higit pa sa aking sarili. Ngunit pinili niya akong pakawalan, sambit na ito'y payo ng kanyang nakakatandang kapatid upang mapagbigyang tuon ang aral sa pag-aabugasya.

    Lumipas ang mga buwan pati na rin ang sakit na nararamdaman. Ninaiis kong maging kaibigan niya. Ngunit aking nalaman, kanyang panuring, ang aming naging relasyon ay isang "misinterpretation" at aking pagkakamali. Hindi ako tanga, kaya kong ilahad ang katunayan ng walang kasinungalingan.

    Ngayon, hindi ko alam kung nasa puso ko pa rin ang pag-ibig na naramdaman sa pagkat matinding galit na lang ang aking nadarama. Ang pagiging matagumpay higit pa sa kanyang matatamo ang ang aking layunin. Balang araw, pag-sisisihan niyang ako'y sinaktan.

    Dear Kimmy, masama ba na ikimkim ko ang puot na aking nadarama o masmakabubuti na ito'y piliting kalimutan na lamang?(na hindi ko naman talaga magagawa.)

    Anna Amelia Lot

    ReplyDelete